Karaingan ng Dilat


by Marlo

mundo’y lipunan

ng sistemang hayop

gawaing hayop

at ugaling hayop

ang nangyayari’y gaguhan

at talamak na kasamaan

——–

sagana tayo sa buwaya

mga paring ahas at politiko

idagdag pa ang dagat na luha

ng ginahasang bayan

——–

dinig ko ang halakhak

ng lilong mapagsamantala

sa kabilang tainga naman

dinig ang lagaslas ng luha

——–

ganyan ang sistema

ng poong inutil

na maalam daw sa lahat

talino niya ngayo’y nasaan?

ito ba’y nasa ilalim

ng naaagnas na bangkay?

nasa lalamunan ba

ng naghihingalong sikmura?

ito ba’y nalunod na

sa laot ng luha?

——–

karunungan niya’y nasaan?

nasa mabulaklak bang dila

ng paring nangangalunya?

o baka naman nasa baul

ng madilim na vatican?

nasaan?

——–

mga araw daw natin

ay naitala na’t nahulaan

sa kanyang libro sa kalangitan

lahat ng bagay

ay kanyang ninais at

pinagplanuhang maigi

para sa atin

——–

putang ina!

plano ba niyang mangamatay

ang mga munting pangarap?

plinano niya, dahil matalino siya

ang bawat aborsyon

bawat pagpatay

bawat panggagahasa

bawat aksidente

bawat kaputa-putahang

mga pangyayari!

——–

sapat na

ang nakikita kong kagaguhan

lokohan kung lokohan

ang mabait ay naaapi

at kung manlaban ka’y pagkamuhi

ang iyong mapapala

nakakasawang magpatapak

ng sariling dangal

oras na ng pagbangon

babaha ng dugo kung nararapat

demonyohan kung demonyohan

gaguhan kung gaguhan


One thought on “Karaingan ng Dilat

Penny for your thoughts?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s